Home NATIONWIDE Dizon nangako, lumalabag na shipping firms tutugisin

Dizon nangako, lumalabag na shipping firms tutugisin

1
0

MANILA, Philippines – Nangako si Transportation Secretary Vince Dizon nitong Huwebes, Oktubre 29 na tutugisin nito ang mga shipping company na lumalabag sa maritime safety rules.

Ito ay kasunod ng sunog sa barko sa Palawan noong Setyembre 9 na kumitil sa buhay ng 77 katao.

Ani Dizon, tatalakayin ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga panuntunan kasama ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at attached agencies nito sa kanyang unang executive committee meeting.

Kabilang sa miting sina Philippine Ports Authority General Manager Jay Santiago, Maritime Industry Authority Executive Director Samuel Batalla at Philippine Coast Guard Commandant Vice Admiral Rommel Supangan.

“We really have to crack down on this. Hindi na pwedeng maulit yung nangyari nitong nakaraang mga linggo,” sinabi ni Dizon.

Iginiit din niya ang kahalagahan ng mas mahigpit na inspeksyon sa seaworthiness at passenger capacity ng mga barko, maging ang mas mahigpit na parusa sa shipping companies na lalabag sa safety regulations.

“Buhay ng mga kababayan natin yung pinag-uusapan dito kaya kailangan maging strikto tayo sa sea worthiness,” dagdag ni Dizon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here