Home NATIONWIDE Pagpapalakas sa lokal manufacturing sector, pagsusulong ng electric mobility, magbubukas ng maraming...

Pagpapalakas sa lokal manufacturing sector, pagsusulong ng electric mobility, magbubukas ng maraming oportunidad para sa mas maraming hanapbuhay – PBBM

1
0

MANILA, Philippines – Ang pagpapalakas ng lokal na manufacturing sector at pagsusulong ng electric mobility ay magbubukas ng oportunidad para sa mas maraming trabaho, mas matatag na industriya, at mas mababang gastos sa biyahe.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos bisitahin ang manufacturing and assembly plant ng Sazgar Philippines Inc. sa Biñan, Laguna, araw ng Huwebes, upang inspeksyunin ang operasyon nito at isulong ang pamumuhunan sa lokal na produksyon ng electric at conventional three-wheeled vehicles.

Sinasabing, may kapasidad ang planta na mag-assemble ng hanggang 12,000 sasakyan kada taon at inaasahang lilikha ng mahigit 3,000 trabaho para sa mga Pilipino, kasabay ng pagbibigay ng oportunidad sa mga lokal na supplier.

At para sa mga tricycle driver, ang electric tricycles na kayang bumiyahe nang 100 hanggang 210 kilometro sa isang charge ay maaaring makatulong na makatipid sa gasolina at madagdagan ang maiuuwi sa pamilya, habang nababawasan ang pagdepende ng bansa sa imported fuel. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here