Home OPINION MARCOS RICE: JACKSTONE, PLASTIC RICE?

MARCOS RICE: JACKSTONE, PLASTIC RICE?

2
0

TOTOO kaya ang lumalabas sa social media na nagpamamahagi ang gobyernong Marcos ng plastic o pang-jackstone rice o plastic na bigas?

May tatak na Bagong Pilipinas Bawat Bayan Makikinabang at 10 kilo bawat sako ang bigas at ayuda ito sa mahihirap.

Nadiskubre ito ng isang misis na unang nakapuna ng hindi magandang lasa.

Kaya binilog-bilog nito, kasabay ng pagbilog-bilog ng lokal na bigas.

Hayun, ‘yung ayuda, walang kaibhan sa plastik o goma na tatalbog-talbog kapag nilalaro habang ang lokal na bigas, hindi tumatalbog.

Sinasabing galing sa Vietnam ang bigas na tumatalbog-talbog at pinayagan ng Department of Agriculture na maipasok sa Pinas.

Kung totoo ang nadiskubre ng ginang, dapat agad iatras at bawiin ang lahat ng naipamahagi na at pag-aralan kung anong klaseng bigas ito bago pa makapagdulot ng matinding pinsala sa kalusugan ng mga mamamayan.

Kung tutuusin, marami nang kabalbalan sa gobyerno kaugnay ng produksyon sa bigas at rice program ng kasalukuyang pamahalaan.

Naririyan ang hirap hanapin na P20 kada kilong bigas at kulang sa timbang na 10 bilong bigas.

Kadidiskubre lang din sa Senado na may mga farm-to-market road projects para sa mga magsasaka na nasa gitna ng mga karagatan at kasama ang mga ito sa pinondohan para sa susunod na taon.

Iba pa ang malapit nang maging 5 milyong metrikong tonelada na importasyon ng bigas na sumpa sa mga magsasakang Pinoy at laging itinataon sa anihan ng palay sa Pinas ang importasyon para maging mura ang lokal na bigas at malugi nang todo ang mga magsasaka.

Nagkaloko-loko na hindi lang ang kalidad ng bigas kundi ang presyo nito, maging ang patakaran sa importasyon at lokal na produksyon na ikinasisira ng kalusugan ng lahat, ikinagugutom ng marami at ikinasisira ng buhay ng milyon-milyong magsasaka at ekonomiya ng Pinas.

Anyare sa gobyernong Marcos?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here