Home NATIONWIDE 2 bebot na HVI, timbog sa buy-bust ops sa Dagupan City

2 bebot na HVI, timbog sa buy-bust ops sa Dagupan City

1
0

PANGASINAN-Shoot sa kulungan ang dalawang babaeng mga umano’y high-value individual (HVI) matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy bust operation sa Dagupan City ng lalawigang ito.

Ayon sa Dagupan City Police Office, ang mga naarestong suspek ay kinabibilangan ng isang 37-anyos na babai na rice vendor, residente ng Mangaldan, Pangasinan, at 49-anyos na babai na isang housemaid, residente ng Lingayen, Pangasinan.

Bandang alas-11:30 ng gabi ng November 5 nang isagawa ng mga personnel ng CPDEU, Dagupan City PO (lead unit), CIU, PNP DEG SOU1 at PDEA RO1 ang buy-bust operation. Tumagal ang buy-bust operation ng hanggang ala-1:35 ng madaling-araw ng November 6.

Sa naturang buy-bust operation ay nakarekober ang mga awtoridad ng apat (4) na knot tied transparent plastic bag at tatlong (3) heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Tumitimbang ng 863 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P5,868,400 ang mga narekober na hinihinalang shabu.

Bukod sa hinihinalang shabu ay nakakumpiska rin ang mga awtoridad ng mga itinuturing nilang non-drug evidence.

Kabilang sa mga nakumpiskang non-drug evidence ang mga sumusunod: isang genuine na P1,000 na ginamit bilang buy-bust money; 99 na photocopied P1,000 boodle money; dalawang shoulder bag; dalawang cellular phone; isang Eco Bag; at, isang digital weighing scale.

Ginawa ang inventory at markings sa mga nakumpiskang ebidensya sa mismong lugar kung saan nangyari ang buy-bust operation, sa presensiya ng dalawang suspek at mandatory witnesses. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here