Home NATIONWIDE LTFRB, pinalawig ng 30-araw aplikasyon sa regularisasyon ng tempo TNVS

LTFRB, pinalawig ng 30-araw aplikasyon sa regularisasyon ng tempo TNVS

1
0

MANILA, Philippines – Pinalawig pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 30 araw ang palugit para sa aplikasyon ng regularisasyon ng mga ride-hailing service provider na nagpapatakbo sa ilalim ng temporary o “tempo” status.

Una nang nagtakda ang LTFRB ng 30 working days para sa online application na nagsimula noong Oktubre 8.

Ayon sa ahensiya, alinsunod ito sa direktiba ni Transportation Secretary Vince Dizon upang matiyak na walang maiiwan sa sektor ng pampublikong transportasyon, lalo na ang mga operator ng Transport Network Vehicle Services (TNVS).

“Our regularization move is aimed at helping thousands of TNVS drivers whose only fault was that they relied in good faith on their onboarding and assumed substantial financial commitments in the process,” pahayag ni LTFRB Acting Chairman Greg Pua Jr.

Ang “tempo” ay tumutukoy sa praktis ng Transport Network Companies (TNCs) na isama sa kanilang digital platforms ang mga TNVS unit kahit wala pang kinakailangang awtorisasyon mula sa LTFRB.

Nilinaw ng ahensiya na paglabag sa mga patakaran nito ang pagpapatakbo sa ilalim ng tempo status dahil pinapayagan nitong maghatid ng mga pasahero ang mga TNVS unit kahit walang balidong pahintulot.

Batay sa pinakahuling datos ng LTFRB, nakatanggap na ito ng 13,216 aplikasyon, kung saan 5,091 ang nabigyan na ng provisional authority.

Ayon kay Pua, pinabibilis ng ahensiya ang pagproseso ng mga aplikasyon. Hinimok niya ang mga aplikante na i-upload ang lahat ng kinakailangang dokumento upang maiwasan ang pagkaantala.

“We ask our partners in the TNVS community who are applying for the regularization to follow the process of the application. The requirements are intended to prevent application cancellations due to some challenges that include questions on vehicle ownership,” ani Pua.

Maaaring isumite ang aplikasyon sa online platform ng LTFRB. Pinayuhan naman ang mga nahihirapang kumpletuhin ang mga requirement na makipag-ugnayan sa ahensiya upang makahingi ng tulong. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here