Home NATIONWIDE 115 Chinese nat’l arestado sa anti-POGO ops ng BI

115 Chinese nat’l arestado sa anti-POGO ops ng BI

2
0

MANILA, Philippines – Arestado ang 115 Chinese national sa magkakahiwalay na operasyon ng Bureau of Immigration (BI) laban sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) noong Oktubre.

Sa pahayag nitong Biyernes, sinabi ng BI na kabilang ang mga deportee sa mga naaresto sa Zamboanga Sibugay noong Oktubre 2 at sa Quezon City noong Oktubre 12.

“The deportees, consisting of 62 individuals arrested in Zamboanga Sibugay and 53 in Cubao, are being flown to China aboard a chartered China Southern Airlines flight CZ5308 at NAIA Terminal 3, following the issuance of Summary Deportation Orders by the BI Board of Commissioners,” ayon sa BI.

Inilarawan ng BI ang operasyon laban sa ilegal na POGO sa Zamboanga Sibugay bilang pinakamalaking pagsalakay ng ahensya ngayong taon, kung saan mahigit 200 manggagawa ng POGO, karamihan ay Chinese, ang naaresto.

Samantala, 74 Chinese at dalawang Burmese national naman ang naaresto sa katulad na operasyon sa Cubao.

Noong 2024, ipinagbawal ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lahat ng POGO sa bansa dahil sa pagkakasangkot umano ng mga ito sa mga krimen gaya ng financial scam, money laundering, prostitusyon, human trafficking, kidnapping, torture at pagpatay.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, patunay ang patuloy na deportasyon sa paninindigan ng ahensya na panagutin ang mga dayuhang sangkot sa ilegal na gawain.

“The Bureau will continue strengthening its enforcement operations and coordination with local and international law enforcement partners to combat illegal POGO operations, online scams, and other transnational crimes,” ayon sa pahayag ng BI. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here