MANILA, Philippines – Gagastos ang gobyerno ng P82.9 bilyon para sa bonus at cash gift ng mga empleyado ng pamahalaan, ayon sa Department of Budget and Management (DBM) nitong Sabado, Nobyembre 7.
Sa ilalim ng DBM Budget Circular No. 2024-3, ang mga kwalipikadong government employees ay makatatanggap ng year-end bonus na katumbas ng isang buwang basic pay hanggang nitong Oktubre 31, 2026.
Makatatanggap din ang mga ito ng P5,000 na cash gift.
Sinabi ng DBM na sa P82.998 bilyon, P73.449 bilyon ang para sa bonus at P9.549 bilyon naman ang para sa cash gift.
“Ang Year-End Bonus po ng mga government employees na katumbas ng one month basic salary, kasama ang P5,000 Cash Gift, ay dapat matanggap kasabay ng first salary for November. Na-release na po ng DBM ang pondo para rito, kaya we want to remind our agencies to ensure the timely release of these benefit,” saad sa pahayag ni DBM Secretary Kim Robert C. De Leon.
“Alam po natin na malaking tulong ito sa ating mga kawani at kanilang pamilya, especially ngayong papalapit na ang Pasko. More importantly, this is our way of recognizing and thanking our government workers for their hard work, dedication, and continued service to the Filipino people,” dagdag pa niya.
Ang mga empleyado ng pamahalaan ay dapat na nakapagserbisyo ng apat na buwan ng aggregate service (120 days) mula Enero 1 hanggang Oktubre 31 para maging kwalipikado sa full year-end bonus at cash gift.
Kabilang sa qualifying service ang actual service rendered in regular, contractual, o casual positions sa national at local government. RNT/JGC