Home NATIONWIDE P430K shabu, pistola nakumpiska ng mga pulisya sa Cotabato

P430K shabu, pistola nakumpiska ng mga pulisya sa Cotabato

1
0

MANILA, Philippines – Arestado ng pulisya ang 43-anyos na lalaki kasabay ng pagkakakumpiska sa hinihinalang shabu at .45 kalibreng pistola sa implementasyon ng search warrant sa Kabacan, Cotabato.

Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na “Sam,” na naaresto 4:20 ng umaga sa bahay nito sa Purok 6, Barangay Osias ng Kabacan.

Sa spot report, narekober ng pulisya ang pitong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 63.2 gramo at nagkakahalaga ng P429,760.

Nakuha rin ang baril na walang serial number na mayroong steel magazine at apat na live ammunition.

Ang search warrant ay inisyu ng Regional Trial Court Branch 22 sa Kabacan noong Oktubre 29 sa paglabag sa Republic Act No. 10591, o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ipapasa ang mga nakuhang droga sa PNP Forensic Unit sa Kidapawan City para sa laboratory examination, habang sasailalim naman sa ballistics examination ang baril at ammunition.

Dinala sa Southern Mindanao Hospital ang naaresto para sa medical examination bago ilagak sa custodial facility ng Kabacan police.

Inihahanda na ang reklamong paglabag sa Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at RA 10591.

Ang operasyon ay ikinasa ng mga tauhan ng Kabacan Municipal Police Station, 1st at 2nd Cotabato Provincial Mobile Force Companies, Cotabato Police Provincial Office–Provincial Drug Enforcement Unit. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here