MANILA, Philippines – Naaresto ng mga awtoridad ang magkapatid na “high-value individuals” at nakumpiska ang mahigit P125,000 halaga ng hinihinalang shabu sa operasyon sa Butuan City noong Huwebes, Nobyembre 5.
Kinilala ni Brig. Gen. Rolindo M. Suguilon, director ng Police Regional Office 13 (Caraga), ang mga suspek sa pamamagitan ng mga alyas nitong “Al,” 44, at ate na si “Shie,” 53.
Nagkasa ang mga operatiba mula sa Regional Drug Enforcement Unit 13, Butuan City Intelligence Unit, at Butuan City Police Station 2 ng operasyon 3:25 ng umaga sa bahay ng mga suspek sa Barangay Limaha, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nakumpiska sa operasyon ang 11 plastic sachet na naglalaman ng 18.48 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P125,664.
Narekober din sa lugar ang marked buy-bust money, mobile phone, at assorted drug-use paraphernalia.
Nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. RNT/JGC