VATICAN – Sinabi ni Pope Leo XIV nitong Biyernes na nagpasya siyang bumoto sa pamamagitan ng mail-in ballot sa US midterm elections, isang historic first para sa isang Catholic leader.
“I’m proud to be an American and to exercise the right,” ani Leo, ang kauna-unahang US-born pope, sa mga mamamahayag sakay ng kanyang flight mula Rome patungong Uruguay.
Si Leo, na ipinanganak sa Chicago bilang Robert Prevost, ang kauna-unahang papa na boboto sa isang secular election habang nakaupo bilang pontiff. Ang kanyang predecessor na si Pope Francis, na mula sa Argentina, ay hindi bumoto.
Kinumpirma ng mga opisyal sa Will County, timog ng Chicago, noong nakaraang linggo na humiling si Leo ng mail-in ballot para sa midterms. Sinabi naman ng Vatican noong Oktubre 30 na naniniwala ang papa “in the right and the duty of citizens to participate in democratic processes.”
Sa pagkapanalo ng mga Democrat sa pagka-gobernador at sa US Senate seat sa resulta ng halalan sa Texas, tumanggi ang Santo Papa na magkumento.
Kilala ang papa, lider ng 1.4-billion-member Church, sa pag-iwas sa hayagang political statements. Jocelyn Tabangcura-Domenden