Home SPORTS Lalaki arestado, bahay ni LeBron pinasok

Lalaki arestado, bahay ni LeBron pinasok

1
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos umanong pumasok sa property ng NBA superstar na si LeBron James sa Brentwood, California.

Kinumpirma ng Los Angeles Police Department na rumesponde ang mga pulis dakong alas-9:39 ng gabi nitong Biyernes kasunod ng ulat tungkol sa posibleng tangkang pagnanakaw sa nasabing bahay.

Naaresto ang suspek sa mismong property ni James at kalaunan ay dinala sa kustodiya ng mga pulis.

Ayon sa LAPD, isinailalim sa booking ang lalaki kaugnay ng kasong stalking.

Wala sa kanyang tahanan si James nang mangyari ang insidente dahil nasa Cleveland siya para sa laro ng Philadelphia 76ers kontra Cavaliers.

Natalo ang 76ers sa naturang laban, 119-95.

Samantala, tumangging magbigay ng komento ang kinatawan ni James tungkol sa insidente. GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here