MANILA, Philippines – Masyado pang maaga para pag-usapan kung tetestigo ba si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial, ayon kay Defense team spokesperson Atty. Michael Poa ngayong Lunes, Nobyembre 9.
“Masyado pang maaga para pag-usapan po ‘yan. First day pa lang ng presentation namin,” ani Poa.
Maaalalang sinabi ng House prosecution panel noong nakaraang buwan na layon nilang ipresenta ang Bise Presidente sa sarili nitong impeachment trial.
Sinabi naman ni Poa na handa ang depensa sa pagpresenta ng sarili nitong mga ebidensya.
“We are ready for today. We are ready for the presentation of evidence, and we’re ready for the rest of the trial,” aniya.
Ngayong araw ay ipipresenta si Davao City assessor, engineer Jaime Adalin, bilang unang witness sa paglilitis. RNT/JGC