Home METRO Kelot timbog sa smuggled na sigarilyo

Kelot timbog sa smuggled na sigarilyo

1
0

LA UNION-Shoot sa kulungan ang isang 25 anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng mga pinaniniwalaang smuggled cigarettes sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Sto. Tomas ng lalawigang ito nitong Lunes, Nobyembre 9.

Ayon sa Sto. Tomas MPS, ang suspek ay residente ng Urbiztondo, Pangasinan.

Bandang 12:30 ng tanghali nang isagawa ang buy-bust operation laban sa suspek dahil sa umano’y illegal sale and distribution of smuggled cigarettes.

Ang buy-bust operation ay ikinasa ng mga personnel ng La Union Provincial Intelligence Unit (lead unit), Regional Intelligence Division 1, Technical Support Company-Regional Mobile Force Battalion, La Union Maritime Police Station 1, Sto. Tomas MPS, at La Union Provincial Intelligence Team Regional Intelligence Unit, sa pakikipag-ugnayan sa BIR, Revenue Region 1.

Sa naturang buy-bust operation ay nakakumpiska ang mga awtoridad ng tatlong box ng pinaghihinalaang smuggled cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng P108,000.

Ginawa ang inventory sa mga nakumpiskang ebidensya sa harap ng mga representatives ng Bureau of Internal Revenue (BIR)-Sto. Tomas, La Union at mga opisyal ng barangay. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here