Home HOME BANNER STORY Witness: VP Sara tumanggap ng P64K salary differential noong 2023

Witness: VP Sara tumanggap ng P64K salary differential noong 2023

10
0

MANILA, Philippines – Nakatanggap si Vice President Sara Duterte ng P64,194.72 mula sa Davao City government nong Enero 2023 bilang bayad sa salary differentials mula sa kanyang dating termino bilang mayor, ayon sa defense witness nitong Martes, Nobyembre 10.

Si Davao City Accountant Vengeline Bahan ay tumestigo sa impeachment trial laban kay Duterte sakop ang mga bayad sa salary adjustments para sa 2020 at 2021.

Kinumpirma ni Bahan ang summary ng payroll records na nagpapakitang si Duterte ay may P64,194.72 sa salary differentials.

“The particulars [in this summary of list of payroll] is salary differentials for the year 2020 and 2021 po,” ani Bahan.

Ang salary differential ay tumutukoy sa karagdagang bayad sa empleyado matapos ipatupad ang salary adjustment retroactively, sakop ang pagkakaiba sa luma at adjusted na rate.

Sa kanyang testimonya, ipinaliwanag ni Bahan na ang halagang ibinigay kay Duterte ay mula Enero hanggang Disyembre 2020 at Enero hanggang Disyembre 2021 kasunod ng adjustments sa ilalim ng fourth tranche ng Salary Standardization Law na ipinatupad noong 2019.

Nang tanungin ni defense counsel Lindon Bacquel kung bakit ito ay ibinayad laman noong Enero 2023 kung kailan Bise Presidente na si Duterte, sinabi ni bahan na saka pa lamang nakumpleto ang supporting documents nang mga panahong iyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here