MANILA, Philippines – Pitong barko ng Philippine Coast Guard (PCG) ang i-de-deploy upang maitaguyod ang kaligtasan at seguridad sa katubigang sakop ng Manila Bay para sa 49th ASEAN Summit.
Ayon kay PCG Spokesperson, Commodore Noemie Cayabyab, nakahanda na rin ang mga K9 teams at PCG security personnel na tutulong sa Philippine National Police (PNP) upang masiguro ang matiwasay at maayos na pagsasagawa ng mga aktibidad kaugnay nito.
Siniguro naman ni Commodore Cayabyab na mananatiling normal ang operasyon ng mga sasakyang pandagat na dumadaan sa Manila Bay sa kasagsagan ng ASEAN event. Jocelyn Tabangcura-Domenden