Home NATIONWIDE Langis, presyo ng pagkain, regional security nais talakayin ni PBBM sa ASEAN...

Langis, presyo ng pagkain, regional security nais talakayin ni PBBM sa ASEAN summit

1
0

MANILA, Philippines – Itutulak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na talakayin sa 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ang pagtaas ng presyo ng langis at pagkain, regional security, agriculture, jobs, at pangkabuhayan.

Binigyang diin ang pangangailangan para sa Southeast Asian countries na magkapit-bisig na tugunan ang mga ibinahaging hamon.

Sa isang video message, sinabi ng Pangulo na mahalaga ang ASEAN dahil maraming problema na kinahaharap ng rehiyon ang maaaring hindi malutas dahil mag-isang hinaharap ito ng mga bansa.

“Marami sa mga problemang ito ay hindi natin kayang solusyunan na mag-isa, kaya’t napakahalaga ng ASEAN,” ang sinabi ng Pangulo.

“Lalo-lalo na sa panahong ito na marami tayong krisis na hinaharap mula sa pagtaas ng presyo ng langis, tapos ang ating mga security concerns, tapos itong parating na El Niño, ay kailangan buo ang paggalaw ng buong ASEAN,” aniya pa rin.

Inilarawan naman ng Pangulo ang regional bloc bilang mahalagang haligi para sa kalakalan, seguridad at proteksyon ng mga pinoy kabilang na ang overseas Filipino workers, businesspeople, at mga turista.

Bilang host ng summit, sinabi ng Pangulo na ang Pilipinas ay may oportunidad na tumulong na hubugin ang regional agenda at iprayoridad ang mga alalahanin na nakaaapekto sa mga ordinaryong mamamayan kabilang na ang ‘cost of basic commodities at security.’

Binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng face-to-face meetings ng mga lider, sabay sabing pinahihintulutan ang mas malalim na talakayan, mas matibay na tiwala at kasunduan kaugnay sa konkretong hakbang.

Sa kabilang dako, sinabi ng Pangulo na ang pagho-host ng Pilipinas sa ASEAN summits at kaugnay na pagpupulong sa buong taon ay nakalikha ng hanapbuhay para sa lokal na industriya at micro, small, and medium enterprises (MSMEs).

“Itong taon lamang na ito, dahil sa mga summit at related meetings na naganap sa buong bansa, bumuhos ang trabaho para sa ating mga local industries o MSME, mga maghahabi, mananahi, at mga designer na pinamalas ang kagandahan ng kasuotan natin, mga artista, mang-aawit, dancer, director at mga creative industry na bumubuo ng mga programa natin,” ayon sa Pangulo.

“Kasama dyan ang buong produksyon, makeup artist, set designer, lighting at sound technician, writer, at maraming-marami pang iba. Ang mga culinary experts at local food manufacturers naman, dried mango man ‘yan, kornik o tsokolate,” aniya pa rin.

Samantala, sinabi ng Pangulo na kabilang din ang pagkakataon para sa mga turismo na maengganyo ang mga bisita na bumalik at tuklasin pa ang Pilipinas.

“Sana pagbalik nila rito, ito ay para sa bakasyon na at dala-dala ang kanilang mga kaibigan at ang kanilang mga pamilya. Marcos said the gatherings also provided an opportunity to promote Philippine tourism and encourage foreign visitors to return with their families and friends,” aniya pa rin. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here