PINALALABAS ng gobyernong Marcos na hindi ito natitinag sa tuloy-tuloy nitong gawaing serbisyong bayan sa kabila ng mga negatibong sarbey laban dito.
Kitang-kita naman talaga na pinakikilos nito ang lahat ng mga daliri nito o lahat ng ahensya ng gobyerno para mapatunayang tapat sa paglilingkod.
Paborito nga nitong bigkasin ang laban nito sa mga korap na pinasimulan niya sa isang State of the Nation Address na ikinanginginig ng ilan nang nahagip nito.
Lalo’t may ilan nang nakulong o nasususpinde bagama’t wala pang paghuhusga ng hukuman na korap nga ang mga ito.
Ang siste, mga Bro, tila hindi sumasang-ayon sa tadhana at tumatalab sa mga mamamayan lahat ng pagpupunyagi ng gobyernong Marcos at maging si Pangulong Bongbong Marcos na tumatakbo sila para sa bayan.
TINIMBANG NGUNIT KULANG
Sunod-sunod ang mga sarbey na negatibo laban sa Pangulo at pinakahuli ang sa OCTA Research na nagsabing bumaba ang trust at performance rating mismo ng Pangulo.
Sa sarbey nitong Setyembre 28 hanggang Oktubre 4, 2026, bumagsak ang pagtitiwala o trust rating nito sa 45% mula sa 49% noong Hulyo.
Sa performace rating naman, bumaba rin sa 44% mula sa 47% noong Hulyo.
Kabaligtaran ito sa rating ni Vice President Sara Duterte na tumaas ang pagtitiwala sa 48% mula sa 47% noong Hulyo.
Sa performance, tumaas din kay VP Sara sa 46% mula sa 45% noong Hulyo.
Sa Pulse Asia na inilabas sa kalagitnaan ng Oktubre 2026, may 48% na may maliit o walang tiwala sa Pangulo habang nasa 29% lang ang may malaking tiwala sa kanya.
Sa kanyang approval rating sa paggampan niya ng tungkulin, may 49% na sumang-ayon ngunit mas mababa ito sa 50% noong Hulyo.
Kay VP Sara, 55% ang nagtitiwala sa kanya habang 27% lang ang may maliit o walang tiwala.
Lumiit din ang hindi aprub sa kanya sa kanyang ginagawa sa 27% mula sa 29% noong Hulyo.
Klarong tinimbang ngunit kulang ang Pangulo mismo sa mata ng taumbayan.
ANYARE AT BAGSAK ANG GRADO NG PANGULO?
Klarong hindi maganda ang pagtingin ng mga mamamayan sa Pangulo at lalong malinaw na malinaw kung ikukumpara siya kay VP Sara na gumaganda sa paglipas ng mga araw.
Ito’y sa kabila ng pagpapakilos ng Pangulo ng lahat ng pwersa ng pamahalaan para ipakitang mayroon siyang magagandang ginagawa para sa buong bayan.
Ngunit bakit higit na kinikilala at pinagkakatiwalaan ng taumbayan si VP Sara na halos hindi naman ito makasabay sa ginagawa ng Pangulo at administrasyon nito?
Ang klaro, may mensahe ang sambayanan at ito ang dapat kapain at diskubrehin ng Pangulo at kanyang administrasyon.
‘Yun bang === may pangangailangan ang mga mamamayan na higit na mahalaga kaysa mga sinasabi at ginagawa ng Pangulo at administrasyon nito.
Hindi nga ba siya lumalaban sa korapsyon, sa mahal na mga bilihin, sa kahirapan at kagutuman, sa pagtatanggol sa bansa mula sa panghihimasok sa “teritoryo” at pamamahala ng bansa, para sa kapakanan ng mga magsasaka, obrero, mangingisda at iba pa?
Pero bakit nga ba siya higit na hindi pinagkakatiwalaan at hindi sinasang-ayunan sa kanyang mga ginagawa?
What is happening to our country, Mr. President?






