Home ENTERTAINMENT SB 19, dadalhin ang P-pop sa Coachella sa 2027!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES SB 19, dadalhin ang P-pop sa Coachella sa 2027!November 13, 2026 12:37100 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Nakatakdang dalhin ng SB 19 ang P-pop sa Coachella Valley Music and Arts Festival sa California desert sa 2027.Mismong ang mga nag-organisa nito ang nag-anunsyo ng nasabing balita.Ito’y kinabibilangan ng Dua Lipa, Tame Impala at SZA bilang mga pangunahing headliners.Inihayag din ng mga organizers ang lineup para sa 2027 edisyon ng tanyag na music festival sa social media.Ang five-member group ay isa sa mga tampok na magtatanghal sa ikalawang araw ng two-weekend run ng naturang festival mula April 10 hanggang 17.Saad ng grupo: “The next stop is officially on the calendar– Coachella 2027.”Inanunsyo na din ito ng mismong quintet sa kanilang mga socmed pages.Tarush!Nitong umpisa ng 2026, nagtala ng kasaysayan ang BINI sa kanilang all-Filipino act na nagtanghal sa Coachella.Addressing their fans: “See you on the other side of the desert, A’TIN!” Ronnie Carrasco III