Home METRO 3 wanted, arestado sa magkakahiwalay na operasyon sa Baguio

3 wanted, arestado sa magkakahiwalay na operasyon sa Baguio

1
0

BAGUIO CITY, Philippines – Tatlong wanted person, kabilang ang isang suspek sa murder na mahigit isang taon nang nagtatago, ang naaresto sa magkakahiwalay na manhunt operation ng pulisya nitong Huwebes, Nobyembre 12.

Ayon sa Police Regional Office-Cordillera (PRO-CAR), naaresto ang 33-anyos na suspek sa murder sa Barangay Loakan Proper sa joint operation ng Baguio City Police Office (BCPO), PRO-CAR Regional Intelligence Division at Regional Intelligence Unit 14.

Sa hiwalay na operasyon, naaresto rin sa Barangay Camdas ang isang 32-anyos na lalaki na wanted dahil sa paglabag sa Republic Act 11313 o Safe Spaces Act.

Samantala, inaresto naman ng mga operatiba ng Bakun Municipal Police Station at Benguet Police Provincial Office ang isang 31-anyos na babae na wanted dahil sa paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, sa kahabaan ng Naguilian Road.

Ayon sa PRO-CAR, bahagi ang mga operasyon ng patuloy na kampanya ng Philippine National Police na tugisin ang mga wanted person at palakasin ang pagpapatupad ng batas sa rehiyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here