MANILA, Philippines – Kabilang sa mga nakatanggap ng P10,000 cash assistance mula sa pamahalaan ang mga jeepney driver na naapektuhan ng mga security measure kaugnay ng ASEAN Summit sa Pasay City.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, halos 100 jeepney driver na bumibiyahe sa rutang Baclaran-Divisoria ang kabilang sa mga benepisyaryo.
Sinabi ni Dumlao na nasa 2,500 na ang nabigyan ng tulong, kabilang ang mga manggagawa sa kainan, vendor, may-ari ng sari-sari store at jeepney driver.
Sinimulan ng DSWD ang pamamahagi ng P10,000 cash assistance at family food packs noong Nobyembre 8.
Kabilang sa mga unang natulungan ang mga manggagawa sa kainan sa Diokno Boulevard sa Pasay City. Sinundan ito ng iba pang manggagawa, tindero at may-ari ng sari-sari store sa lungsod.
Noong Huwebes, mahigit 1,400 vendor, partikular sa Baclaran area sa ParaƱaque City, ang nakatanggap ng ayuda. Samantala, halos 1,000 katao naman ang natulungan sa Pasay City noong Biyernes.
Humingi rin ng paumanhin ang DSWD sa mga naapektuhan ng paghahanda at security measures para sa ASEAN Summit.
Ayon kay Dumlao, nakipagtulungan ang ahensya sa mga lokal na pamahalaan upang mapabilis ang pamamahagi ng tulong dahil batid nilang maaaring magdulot ng krisis sa pamilya ang pagkaantala ng kanilang kabuhayan. RNT/MDS