Manila, Philippines – Winwyn Marquez couldn’t help but feel emotional amid a supposedly vibrant atmosphere being part of Pinoy Big Brother Collab 3.0.
Aniya, nagi-guilty daw siya lalo’t hindi niya ito magagawa ngayong Christmas season.
‘Yun ay ang maglagay ng mga palamuti sa Christmas tree.
Around this time nga naman–or as early as September or October–marami nang mga Pinoy ang naglalagay ng mga Christmas decor sa kani-kanilang mga tahanan.
Ipinagtapat din ng beauty queen-actress na nami-miss na daw niya ang kanyang nag-iisang anak– si Luna, 3.
Ang pagka-miss ni Winwyn sa anak ay triggered ng ipinagawang task sa mga PBB housemates.
Pagkakitang-pagkakita pa lang niya ng mga decor ay nagkuwento na si Winwyn.
Aniya sa mga female housemates, sa magkakasunod na tatlong taon daw ay binubuhat niya si Luna para ilagay ang star sa tuktok ng kanilang family Christmas tree.
Pagtatapat niya: “‘Yung anak ko po, three years straight, kahit baby siya, I make sure na kasama ko po siya mag-ayos ng Christmas tree.
“Wala po kaming grand plans tuwing Pasko. I just want everybody complete.
“‘Yun po ang spirit ng Christmas pag kumpleto ang pamilya,”–this Winwyn said inside the confession room.
Dagdag ni Winwyn, more than two weeks na daw niyang hindi nakikita’t kapiling si Luna: “Nai-imagine ko siya sa gabi.”
Dahil senti pa din, Winwyn put the finishing touch on the tree inside the PBB house.
Taong 2022 noong isilang ni Winwyn si Luna by her non-showbiz partner na kababata niya.
Para maibsan ang kanyang kalungkutan, hinayaan ng kanyang mga fellow housemates si Winwyn na siya ang magpatong ng star sa tuktok ng Christmas tree.
“I kinda feel selfish being here,” saad ng feeling guilty mom.
“Ayokong makalimutan ako ng anak ko while staying here.” Ronnie Carrasco III