Home ENTERTAINMENT Shaira, sinita ang rude BTS fans!

Shaira, sinita ang rude BTS fans!

1
0

Manila, Philippines – Nakatikim ng paninita ang mga kapwa niya BTS fans mula kay Shaira Diaz dahil sa behavior ng mga ito.

Sa kanyang Facebook, nag-post ang Kapuso actress ng isa sa mga BTS members, si Jung Kook.

Jung Kook happens to be one of the nominees para sa 2026 MAMA Awards.

Hindi napigilan ng misis ni EA Guzman na mag-fangirling sa South Korean boy.

Dito na tila na-rattle o nabulabog ang ilang BTS fans obliging Shaira to publicly root for the entite boy band.

Sey ng isang fan: “Boto-boto din pag may time, ate.”

Sagot ni Shaira: “Marina Rang, nakaboto na. Need i-update ka?”

Marami pang comments ang natanggap ni Shaira–dahilan para mag-react na siya nang bonggang-bongga.

Buwelta niya: “Ang rude lang ng ibang ARMY kung makautos at mang-obliga na ilabas ang voting receipt, tapos, manghuhusga agad na hindi bumoboto. Wag feeling please.”

To prove her point, sinabi pa ni Shaira na: “Girl, I’ll support BTS for life–no need to say it. Pero may buhay din ako outside of fangirling.

“Oo, mahal natin sila pero kindness and politeness won’t cost you anything.”

May mga nagpayo naman kay Shaira na: “Don’t mind them…dahil alam natin sa sarili natin kung paano natin sila mahalin sa paraang gusto natin at ginagawa natin for them.”

Tugon ni Shaira: “Sana all ganito.” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here