MANILA, Philippines – Dumating na sa Pilipinas si Timor-Leste Prime Minister Xanana Gusmão nitong Sabado, Nobyembre 14 para sa 49th Asean Summit and Related Summits.
Ang Timor-Leste ay naging ika-11 miyembro ng ASEAN noong Oktubre 2025.
Pormal itong sumali sa ASEAN sa 47th Asean Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia, at naging unang miyembro na tinanggap mula noong 1999 sa Cambodia.
Nag-apply ang Timor-Leste para sa membership noong 2011 at ginawaran ng in-principle approval noong 2022 bago makumpleto ang accession process.
Sasama si Gusmão sa iba pang lider ng Southeast Asian at representatives ng Asean dialogue partners sa summit na pangungunahan ng Pilipinas mula Nobyembre 15 hanggang 17. RNT/JGC