Home NATIONWIDE Seguridad, kahandaan para sa ASEAN Summit tiniyak ng PCG

Seguridad, kahandaan para sa ASEAN Summit tiniyak ng PCG

1
0

MANILA, Philippines – Patuloy na pinaigting ng Philippine Coast Guard (PCG) ang maritime at land security operations nito para sa 49th ASEAN Summit and Related Summits ngayong Nobyembre 14, 2026.

Sa pamamagitan ng Special Task Group Maritime Security, nag-deploy ang PCG ng iba’t ibang maritime assets upang magsagawa ng security patrols sa Manila Bay at mga kalapit na karagatan upang matiyak ang kaligtasan ng mga aktibidad sa dagat.

Samantala, patuloy namang nagbibigay ng security assistance, crowd monitoring, K9 screening at vehicle inspections ang mga tauhan ng PCG sa ilalim ng Task Unit Land Security sa mga itinalagang lugar, summit venues at mga hotel na tinutuluyan ng mga delegado.

Upang higit pang palakasin ang kakayahan sa pagtugon, naglagay din ang PCG ng kabuuang 416 personnel na naka-standby, na binubuo ng Civil Disturbance Management personnel, medical teams at Duty Maritime Area Coordinating Center personnel.

Ang mga pinagsamang hakbang na ito ay patunay ng pangako ng PCG na tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga delegado, kalahok at publiko sa buong pagsasagawa ng 49th ASEAN Summit and Related Summits. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here