Home NATIONWIDE 49th ASEAN Summit pormal nang binuksan ni PBBM sa Maynila

49th ASEAN Summit pormal nang binuksan ni PBBM sa Maynila

1
0

MANILA, Philippines – PORMAL nang binuksan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang 49th Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit and Related Summits sa Maynila, araw ng Linggo, Nobyembre 15.

Sa opening ceremony sa Philippine International Convention Center, nanawagan ang Pangulo, 2026 Asean chair, para sa ‘regional unity at shared responsibility.’

Inilrawan ang ASEAN bilang “different nations moving with common purpose, each sharing responsibility, unified in action, for the strength of the whole.”

Ang summit, ay tatakbo mula Nobyembre 15 hanggang 15 to 17, pinagsama-sama ang mga lider mula sa Asean member states at kanilang dialogue partners para pag-usapan ang mga mahahalagang usapin sa rehiyon at buong mundo, kabilang ang seguridad, katatagan ng ekonomiya, seguridad sa pagkain at enerhiya, kalakalan, transnational crime, online scams at kapakanan ng mga migranteng manggagawa.

Sa kabilang dako, sa Nobyembre 17, pangungunahan din ni Pangulong Marcos ang 29th ASEAN Plus Three Summit at 21st East Asia Summit bago ang seremonya ng paglilipat ng ASEAN Chairship sa Singapore.

Inaasahan ding dadalo si US President Donald Trump sa ASEAN-US Special Summit sa huling araw ng pagtitipon.

Dahil sa pagdating ng mga banyagang lider at kanilang mga delegasyon, inaabisuhan ang publiko na asahan ang mahigpit na seguridad at posibleng pansamantalang pagsasara o pagbabago sa daloy ng trapiko sa ilang kalsada sa Metro Manila.

Isa itong mahalagang pagkakataon para sa Pilipinas na ipakita ang papel nito bilang sentro ng diplomasya, kooperasyon at pag-uusap ng mga bansa sa rehiyon at iba pang bahagi ng mundo. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here