Home METRO #WalangPasok sa mga korte sa NCR, ilang lugar sa Mindoro – SC

#WalangPasok sa mga korte sa NCR, ilang lugar sa Mindoro – SC

1
0

MANILA, Philippines – Suspendido ang operasyon ng mga korte sa Metro Manila at ilang lugar sa Mindoro ngayong Lunes, Nobyembre 16, 2026, ayon sa Supreme Court (SC).

Batay sa anunsiyo ng SC, sakop ng suspensiyon ang Supreme Court at mga tanggapan ng Regional Court Managers sa NCR-A at NCR-B, Court of Appeals sa Maynila, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals, at lahat ng korte sa National Capital Judicial Region.

Kaugnay ito ng pagdaraos ng 49th ASEAN Summit and Related Summits sa Metro Manila.

Samantala, suspendido rin ang operasyon ng lahat ng korte sa Occidental Mindoro at sa bayan ng Bansud sa Oriental Mindoro bilang paggunita sa ika-76 na anibersaryo ng pagkakatatag ng kani-kanilang lugar.

Nauna nang idineklara ng Malacañang ang Nobyembre 16 hanggang 18 bilang special non-working days sa National Capital Region (NCR) upang mabawasan ang trapiko at mapanatili ang seguridad sa panahon ng ASEAN Summit.

Pinayuhan ng Supreme Court ang publiko na sumangguni sa mga kaukulang memorandum at opisyal nitong mga anunsiyo para sa karagdagang detalye at posibleng pagbabago sa iskedyul ng operasyon ng mga korte. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here