Home NATIONWIDE 3 lugar makararanas ng mala-impyernong damang-init

3 lugar makararanas ng mala-impyernong damang-init

1
0

MANILA, Philippines – Posibleng umabot sa 45 degrees Celsius ang heat index sa Puerto Princesa City, Palawan ngayong Lunes, Nobyembre 16, habang dalawa pang lugar ang inaasahang makaranas ng mapanganib na antas ng init, ayon sa PAGASA.

Batay sa forecast ng weather bureau, maaaring umabot sa 43°C ang heat index sa Coron, Palawan at Zamboanga City.

Nasa danger category ang heat index mula 42°C hanggang 51°C, kung saan mataas ang panganib ng heat cramps at heat exhaustion. Maaari rin itong mauwi sa heat stroke kapag matagal na nalantad sa matinding init.

Samantala, inaasahang aabot sa 38°C ang heat index sa NAIA sa Pasay City at 37°C sa Quezon City, na kapwa nasa extreme caution category.

Ipinaliwanag ng PAGASA na ang heat index ay tumutukoy sa init na nararamdaman ng katawan kapag pinagsama ang temperatura ng hangin at humidity.

Pinayuhan ang publiko na limitahan ang mga aktibidad sa labas, lalo na sa pinakamainit na oras ng araw, at uminom ng sapat na tubig upang maiwasan ang dehydration.

Inirerekomenda rin ang pagsusuot ng magaan na damit at paggamit ng payong o sombrero kapag lalabas ng bahay.

Samantala, patuloy na nakaaapekto ang easterlies sa malaking bahagi ng bansa, na maaaring magdala ng pag-ulan at thunderstorms sa ilang lugar. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here