Home OPINION PINAS, SAAN PATUNGO SA STAGFLATION?

PINAS, SAAN PATUNGO SA STAGFLATION?

2
0

KAHAPON, tinalakay natin ang tinatawag na stagflation na nagaganap sa Pinas.

‘Yun bang === pinagsama-samang hindi magandang kalagayan ng ating ekonomiya o pambansang kabuhayan.

Binubuo ang stagflation ng mabagal na paglago ng ekonomiya batay sa P28 trilyong Gross Domectic Product o GDP na kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo sa isang taon.

Nakikita ito sa sobrang pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin at kawalan o mahinang empleyo kasabay ng paghina ng kakayahang bumili ng mga mamamayan.

Sa nasabing P28T GDP, tuloy-tuloy na bumagsak ang inasahang bunga nito mula 5.4% nasa P1.5T noong Enero 2025 sa nasa 2.1% o P620 bilyon lamang nitong Setyembre 2026.

Sa presyo, base sa halaga noong 2018, ang P1,000 noon ay nasa P730 na lamang o kaya’y kapag bumili ka ng kalahating kabang bigas noong 2018 sa P1,000, ngayon, kailangan mo nang magpakawala ng P1,270, pwera pa ang mahal na pamasahe o gasolina sa pagpunta sa palengke.

Andiyan pa ang paglobo ng mga wala o kulang sa trabaho.

Noong Abril 2025, may 50 milyong obrero at 2.06M dito ang walang trabaho at pagdating ng Pasko 2025, naging 2.26M na sila at nitong Setyembre 2026, lalong dumami sila sa 2.86M.

Sa underemployment na kailangang magkaroon ng dalawa o higit na pagkakitaan para mabuhay, may 3.93M obrero noong 2025 ngunit nitong Setyembre 2026, dumami sila 5.56M.

‘Yan ang stagflation.

WALANG PAG-ASA HANGGANG 2027

Para sa mga opisyal ng gobyerno, natural lang lahat at magagawan ng paraan lahat.

Pero iba ang sinasabi ng mga negosyante na aktuwal na nakikipambuno sa paglikha ng yamang pambansa.

Tila nawawalan sila ng pag-asa na magkaroon ng makabuluhang paglago sa ekonomiya kahit hanggang 2027.

Halimbawa rito sina Manuel V. Pangilinan (MVP) Jaime Augusto Zobel de Ayala (JAZA).

Itong si MVP ay namumuno sa isang negosyong komunikasyon at digital sevice gaya ng PLDT, kuryente at ilang proyektong imprastraktura na bilyon-bilyong piso ang mga halaga.

Kilala naman si JAZA sa mga negosyong real property, bangko at digital service gaya ng Globe Communication at Gcash at kuryente rin.

Ang mga samahang negosyante na gaya ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, Makati Business Club at iba pa, kabang-kaba sila sa stagflation at kasama na rin dito ang pagtaas ng kanilang gastusin sa operasyon at produksyon gaya mahal na langis, kuryente, hilaw na materyales na lumalamon nang malaki sa kanilang kita o kaya’y ikinalulugi nila.

ANG TAUMBAYAN?

Kung nahihirapan ang pinakamalalaking negosyante sa stagflation, hindi kaila ang nadaramang paghihirap din ng higit na nakararaming mamamayan.

Tanging mga obrero at opisyal lang ng gobyerno ang nakararamdam ng ginhawa sa rami ng kanilang mga sahod at benepisyo ngunit nanggagaling lahat sa buwis ng naghihirap na taumbayan.

Ang masama pa, nagsilutangan sa panukalang pambansang badyet sa 2027 na may mga nangongorap pa rin sa mga buwis at utang ng bansa na bilyon-bilyon piso ang halaga.

At ilang daan lang ang mga ito sa Kongreso at Palasyo.

Ang kawalanghiyaan sa gobyenro ay ganoon na lamang.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here