BULACAN – Arestado ang isang lalaki nang mahulihan umano ng mga iligal na droga, bomba sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod ng Malolos nitong gabi ng Nobyembre 16.
Sa ulat ni PLTCOL Edwin Lacostales, hepe ng Malolos police station, kinilala naarestong suspek na si alyas “Val”, 39 anyos.
Ayon sa ulat, ikinasa ang operasyon ng Station Drug Enforcement Unit ng istasyon laban sa target bandang 8:30 ng gabi sa Brgy. Bulihan.
Nabatid na nakumpiska sa suspek ang tatlong plastic sachets ng nasa 2.6 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P17,680.00, isang sachet na nasa 2.6 gramo ng hinhinalang marijuana na aabot sa halagang P312.00,isang MK2 fragmentation hand grenade, sling bag at marked money.
Dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa istasyon habang ang granada ay ipinasa sa Provincia Explosive and Canine Unit para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. (Dick Mirasol III)