Home METRO Most wanted lolong ‘rapist’ nalambat sa isla sa Bulacan

Most wanted lolong ‘rapist’ nalambat sa isla sa Bulacan

1
0

BULACAN, Philippines – Arestado ng mga awtoridad sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) ang Most Wanted Person sa isang isla bayan ng Obando nitong hapon ng Nobyembre 17.

Sa ulat ni PMAJ. Erickson Salvador Miranda, hepe ng Obando police station, kinilala ang wanted na isang lalaking 61-anyos.

Ayon sa ulat, ipinatupad ang WOA ng tracker team ng istasyon laban sa wanted bandang 4:10 ng hapon sa Brgy. Binuangan.

Nabatid na ang WOA sa kasong statutory rape at paglabag sa Section 5(b) ng RA 7610 ay inilabas ng Regional Trial Court Branch 9, Malolos City noong Oktubre 12, 2020 na walang inirekomendang piyansa.

Sinasabing ipinaalam sa naaresto ang ang dahilan sa pag-aresto at kanyang mga karapatang konstitusyonal hanggang sa dalin sa istasyon para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here