Home NATIONWIDE 2 tiklo sa P9M petroleum products sa Lipa

2 tiklo sa P9M petroleum products sa Lipa

1
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng pulisya ang dalawang suspek at nakumpiska ang 69,634 litro ng petroleum products na nagkakahalaga ng P9 milyon sa magkahiwalay na operasyon laban sa illegal fuel trading sa Lipa City noong Nobyembre 18, ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Huwebes, Nobyembre 19.

Nagsagawa ang CIDG Batangas Provincial Field Unit ng operasyon sa dalawang gasolinahan sa Barangay San Sebastian at Sabang matapos mapag-alaman na ang mga ito ay nag-ooperate nang walang kaukulang certificate at lisensya mula sa Department of Energy (DOE).

Sa pahayag, sinabi ng CIDG na ang unang operasyon ay ikinasa 3:30 ng hapon sa Barangay San Sebastian, at nakakumpiska ng tatlong underground fuel storage tanks na naglalaman ng 14,210 litro ng petroleum products na nagkakahalaga ng P2 milyon.

Ang ikalawang operasyon naman 3:50 ng hapon sa Barangay Sabang ay nagresulta sa pagkakadiskubre ng apat na underground storage tanks na naglalaman ng 55,424 litro ng produktong petrolyo na nagkakahalaga ng P7 milyon.

Kasabay nito ay naaresto ang dalawang suspek na kapwa residente ng Lipa City.

Nakita sa beripikasyon na ang dalawang establisyimento ay walang Certificate of Compliance at License to Operate na inisyu ng DOE.

Dahil dito ay maikokonsiderang illegal ang kanilang pagbebenta ng produktong petrolyo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here