Home ENTERTAINMENT Pagiging house guest sa PBB ni Robbie Jaworski, pinalagan!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Pagiging house guest sa PBB ni Robbie Jaworski, pinalagan!November 20, 2026 13:0310 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Hinayang na hinayang ang mga faney ng Pinoy Big Brother sa “role” ni Robbie Jaworski saBahay ni Kuya.As it turned out, hindi pala siya housemate kundi guest lang!Ito nga ang plot twist sa PBB Collab 3.0.As expected, pinalagan ito ng mga supporters ng binata na asang-asa na housemate nga siya.‘Yun pala, sinadyang inihalo si Robbie sa loob para magsilbing driving force sa kanilang charity missions.Ani Robbie: “Ipinagdadasal ko talaga kung ano ang purpose ko dito. I think purpose is very important in everything we do.”Nagtagumpay naman si Robbie sa kanyang purpose after raising P25k mula sa kanyang secret task.Bukod dito’y nagsilbi ring inspirasyon si Robbie sa mga housemates.Hanga ang mga ito sa kanyang mga advice at leadership qualities while inside Bahay ni Kuya.Disappointed lang ang mga fans who expected that Robbie would stay–“kinundena” nila ang pagiging house guest lang nito.Anila: “Why naman ganoon? I love watching him, ang dami niyang words of wisdom.”Si Robbie pa mandin daw ang nakikita nilang “big winner material” sa bandang huli.Pinababawi ng mga supporters ni Robbie ang desisyong gawin lang siyang guest rather than housemate.Well… Ronnie Carrasco III