Home NATIONWIDE Serbisyo ng MARINA sa Guiuan, pinalawak sa bisa ng kasunduan

Serbisyo ng MARINA sa Guiuan, pinalawak sa bisa ng kasunduan

1
0

ESTAERN SAMAR, Philippines – Pormal nang nilagdaan ng MARINA Regional Office 8 at lokal na pamahalaan ng Guiuan ang Memorandum of Agreement (MOA) para palawakin ang serbisyo ng MARINA Guiuan Satellite Office.

Ayon sa MARINA, maaari nang magbayad, mag-isyu ng Official Receipts (ORs) at tumanggap ng mga aplikasyon sa mismong satellite office sa Guiuan.

Ipapasa naman sa Extension Office o MARINA Regional Office 8 ang mga aplikasyon para sa pinal na pagproseso.

Kasabay ng pagpapalawak ng serbisyo, nagsagawa rin ng dayalogo ang MARINA sa pangunguna ni Regional Director Juliet S. Nacion, kasama ang mga stakeholder mula sa Manicani Island at Philippine Coast Guard (PCG) Station Eastern Samar.

Tinalakay sa dayalogo ang mga isyu sa transportasyong pandagat at operasyon ng mga sasakyang-pandagat na araw-araw na nararanasan ng mga residente sa mga isla.

Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ilalim ng pamumuno ni DOTr Secretary Vince Dizon, na ilapit sa publiko ang mga serbisyo ng pamahalaan.

Layunin ng hakbang na gawing mas madaling ma-access, ligtas at episyente ang mga serbisyong pandagat sa Eastern Visayas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here