Home NATIONWIDE Industrial facility inatake ng Iran

Industrial facility inatake ng Iran

1
0

BAHRAIN – Nasapul sa pag-atake ng Iran ang civilian industrial facility sa Bahrain na nagdulot ng sunog.

Sa kabila nito ay wala namang naitalang nasaktan o nasawi sa insidente.

Ayon sa Revolutionary Guards ng Iran, naglunsad sila ng missile at drone attack sa US military positions sa nasabing bansa na tahanan ng Fifth Fleet ng US Navy.

Ito ang pinakabagong insidente sa nagpapatuloy na tensyon sa rehiyon matapos atakehin ng US at Israel ang Iran noong Pebrero.

Sinabi naman ng Civil Defense teams ng Bahrain na pinipigilan na nila ang pagkalat pa ng apoy sa pasilidad.

Wala namang ibinigay na detalye sa lokasyon o uri ng pasilidad na tinamaan.

Bago nito ay nag-isyu ang interior ministry ng Bahrain at hinimok ang mga residente na lumikas sa pinakamalapit na ligtas na lokasyon dahil sa posibleng banta.

Kalaunan, sinabi ng Defense Force na naharang nito ang mga aerial attack ng Iran.

Nagdulot naman ng pinsala sa mga ari-arian ang shrapnel mula sa mga naharang na missile. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here