MANILA, Philippines – Isinailalim sa red at yellow alert ang Visayas grid ngayong Lunes, Nobyembre 23, 2026 dahil sa manipis na suplay ng kuryente, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Sa abiso, sinabi ng NGCP na ang red alert ay nakataas mula alas-5 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi.
Samantala, nakataas naman ang yellow alert mula alas-3 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon, at alas-6 ng gabi hanggang alas-8 ng gabi.
Ang red at yellow alert ay dahil sa mga outage sa ilang power plant sa Visayas.
Nagkaroon ng unplanned outage ang Therma Visayas Inc. (TVI) Unit 2, habang ang TVI Unit 2 ay tumatakbo sa derated capacity.
Nagkaroon din ng planned outage ang Palm Concepcion Power Corporation at KEPCO SPC Power Corporation Unit 2.
Nananatili ring limitado ang power import mula sa Mindanao dahil sa unavailability ng GNPower Kauswagan Unit 3, STEAG Unit 2, at FDC Unit 3 na lahat ay naka-planned outage.
Ang red alert status ay iniisyu kapag ang suplay ng kuryente ay kulang para matugunan ang pangangailangan ng mga consumer habang ang yellow alert ay kapag ang operating margin ay kulang para tugunan ang contingency requirement ng transmission grid. RNT/JGC