Home METRO 7 lugar sa CALABARZON, pinag-iingat sa mataas na heat index

7 lugar sa CALABARZON, pinag-iingat sa mataas na heat index

1
0

MANILA, Philippines – Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa pitong lugar sa Cavite, Laguna, Batangas at Quezon dahil sa mataas na heat index ngayong Miyerkules, sa kabila ng posibilidad ng pag-ulan.

Inaasahang aabot sa 39 degrees Celsius ang heat index sa Sangley Point sa Cavite City at sa isla ng Alabat sa Quezon.

Magkakaroon naman ng 37 degrees na heat index sa Tanauan City, Batangas; Mulanay, Quezon; at Los Baños, Laguna.

Samantala, inaasahang aabot sa 34 degrees ang heat index sa Tayabas City at 33 degrees sa Infanta, kapwa sa Quezon.

Ayon sa PAGASA, kabilang sa kategoryang “Extreme Caution” ang heat index na nasa 33 hanggang 41 degrees Celsius.

Maaaring magdulot ang matagal na pagkakalantad sa matinding init ng muscle cramps at heat exhaustion, at magpataas ng panganib ng heat stroke.

Pinapayuhan ang publiko na uminom ng maraming tubig, magsuot ng magaan at maluwag na damit, limitahan ang mga gawaing panlabas at tiyaking ligtas ang mga bata, senior citizen at mga taong may karamdaman.

Pinapayuhan din ang publiko na iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw, lalo na mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Sa 5 a.m. weather bulletin nitong Miyerkules, Nobyembre 25, sinabi ng PAGASA na patuloy na nakaaapekto sa ilang bahagi ng bansa ang northeast monsoon o amihan at easterlies, na maaaring magdala ng pag-ulan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here