Home ENTERTAINMENT Kim, no-show sa opening ng Trinoma store; Bunsong kapatid, bumigay!

Kim, no-show sa opening ng Trinoma store; Bunsong kapatid, bumigay!

1
0

Manila, Philippines – What was supposedly a happy event turned out to be emotionally charged.

Ito ‘yung opening ng pop-up store na pag-aari ni Kim Chiu–ang House of Little Bunny–sa Trinoma Mall sa Quezon City kamakailan.

Winner tuloy ang vlog featuring its opening if only for the scenes at the event.

Kinaaliwan nga ng mga netizens ang pagiging emosyonal ng youngest sibling ni Kim na si JP.

Bumuhos kasi ang kanyang mga luha sa mismong pagba-vlog niya sa loob ng store.

Mapapansing his voice would crack as he told the people that organizing the said event was not a piece of cake.

Sa dami daw kasi ng mga pinagdaanan nila’y hindi niya akalaing magiging successful ang pagbubukas nito.

Inamin ni JP na naiiyak siya, and before he could wind up what he was supposed to say ay tuluyan na siyang bumigay.

Bale lumalabas that Kim fully trusts him kung kaya’t ipinagkatiwala nito sa kanya ang nasabing event.

Kitang-kita naman ang effort ni JP na bising-busy sa pag-e-entertain ng mga parokyano.

Si JP din ang kumukuha ng mga stocks na bags mula sa storage room–doing vlogging and storekeeping all at the same time.

Earlier, asang-asa ang mga fans ni Kim that she’d show up during the store opening.

Pero bigo sila dahil no-show nga ang kanilang idol.

But JP’s tireless effort more than compensated for his sister’s absence.

May “bonus” pa kasing drama of sorts.

Panalo! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here