Home ENTERTAINMENT Audience, kinilig sa duet nina Jojo at Mark, nagkabati na!

Audience, kinilig sa duet nina Jojo at Mark, nagkabati na!

1
0

Manila, Philippines – Nakakatuwang malaman na okey na ngayon ang sigalot sa pagitan nina Revival King Jojo Mendrez at aktor na si Mark Herras.

Nagulat kami nang mapanood namin sila sa nagdaang 42nd Star Awards For Movies  na  nag-duet ng Somewhere In My Past, na pinasikat noon ng namayapang aktres na si Julie Vega at ni-revive ni Jojo.

Naging makahulugan ang kanilang duet dahil tila nagsilbi itong simbolo ng pagkakasundo at muling pagkakaibigan ng dalawa.

In fairness, marami ang kinilig sa duet nila, huh! At ang ganda rin ng version nila ng Somewhere In My Past.

Kahit hindi naman singer si Mark ay nakanta naman niya nang maayos ang nasabing awitin.

At si Sir Jojo, isa talaga siyang mahusay na singer. Feel na feel niya ang pagkanta niya.

‘Pag siya na ang kumanta, asahan nang mula ito sa puso.

At ang maganda sa kanya, iniba niya ang version ng duet nila ni Mark.

Matatandaang maganda ang simula ng friendship nina Sir Jojo at Mark bago sila nagkaroon ng hindi pagkakauawaan.

Nagsimula ang lahat nang makita silang magkasama sa Okada Manila noong Pebrerero 2025.

Nagkaroon ito ng iba’t ibang espekulasyon matapos lumabas ang mga ulat na magkasama silang umakyat at pumasok sa isang kuwarto.

Dahil dito, umingay ang usap-usapan tungkol sa tunay na namamagitan sa kanila at nabuo ang tambalang MarJo na hanggang ngayon ay pamilyar na sa marami.

Sinundan pa ito ng isa pang kontrobersiya nang sorpresahin ni Mark si Jojo sa isang press conference sa pamamagitan ng pagdating na may dalang mga bulaklak. May mga ulat din tungkol sa umano’y mainitang pagtatalo nina Jojo at Mark na kinasangkutan ng alegasyong pagbabanta na susunugin daw ang bahay ng Revival King, na muntik pang humantong sa legal na aksiyon.

Ipinahayag din no’n ni Jojo ang kanyang pagkadismaya dahil sa hindi pagdalo ni Mark sa ilang event at mga trabahong inayos niya para sa aktor.

Ngunit ngayon, tila nalampasan na nila ang lahat ng hindi pagkakaunawaan at naiwan na lamang ang mga ito sa nakaraan.

All’s well that end’s well sa pagitan nina Sir Jojo at Mark. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here