Home METRO Ilang kalsada sa Maynila, isasara mula Sabado ng gabi para sa running...

Ilang kalsada sa Maynila, isasara mula Sabado ng gabi para sa running event

1
0

MANILA, Philippines – Isasara ang ilang kalsada sa Maynila simula alas-9 ng gabi ngayong Sabado, Nobyembre 28, bilang paghahanda sa AIA Rock and Roll Series Manila na gaganapin sa Linggo, Nobyembre 29.

Ayon sa Manila Public Information Office, kabilang sa mga isasara ang mga sumusunod:

–Southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang P. Ocampo Street at northbound lane mula Quirino Avenue hanggang Katigbak Drive

–Westbound lane ng T.M. Kalaw Avenue mula M.H. Del Pilar Street hanggang Roxas Boulevard

–Westbound lane ng Quirino Avenue mula Adriatico Street hanggang Roxas Boulevard

–Bonifacio Drive mula Anda Circle hanggang Katigbak Drive

–Eastbound lane ng P. Burgos Avenue mula Roxas Boulevard hanggang Jones Bridge

–Westbound lane ng P. Burgos Avenue mula Victoria Street hanggang Roxas Boulevard

–Finance Road mula P. Burgos Avenue hanggang Taft Avenue

–Ma. Orosa Street mula P. Burgos Avenue hanggang Kalaw Avenue

–Muralla Street mula Sta. Lucia Street hanggang A. Soriano Avenue

–Sta. Lucia Street mula Muralla Street hanggang A. Soriano Avenue

–Eastbound lane ng A. Soriano Avenue mula Muralla-Solana Street hanggang Anda Circle

–Bahagi ng Quintin Paredes mula Jones Bridge hanggang Ongpin Street

–Magallanes Drive sa tapat ng Post Office mula MacArthur Bridge (southbound) hanggang Jones Bridge (northbound)

–Magallanes Drive sa tapat ng Bureau of Immigration hanggang P. Burgos Avenue

–Independence Road

–Katigbak Drive (zipper lane patungong Manila Hotel)

–South Drive (zipper lane patungong Rizal Park Hotel at Hotel H2O)

Pinayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga sumusunod na alternatibong ruta:

–Ang mga sasakyang manggagaling sa Jones, MacArthur at Quezon Bridges na patungong southbound lane ng Roxas Boulevard ay dapat dumiretso sa P. Burgos Avenue hanggang Taft Avenue.

–Ang mga manggagaling sa Kalaw Avenue na patungong Roxas Boulevard ay dapat kumaliwa sa M.H. Del Pilar Street.

–Ang mga manggagaling sa Ma. Orosa Street ay maaaring kumaliwa o kumanan sa Kalaw Avenue.

–Ang mga manggagaling sa A. Mabini Street ay maaaring kumanan o kumaliwa sa Kalaw Avenue.

–Ang mga manggagaling sa U.N. Avenue na patungong Roxas Boulevard ay maaaring kumaliwa o kumanan sa service road ng Roxas Boulevard.

–Ang mga manggagaling sa Bonifacio Drive ay dapat mag-U-turn sa Anda Circle.

–Ang mga manggagaling sa southbound lane ng Binondo-Intramuros Bridge ay dapat dumaan sa A. Soriano Avenue.

–Ang mga trailer truck at heavy vehicle mula Pasay City na daraan sa northbound lane ng Roxas Boulevard ay dapat kumanan sa Quirino Avenue, dumiretso sa Lacson Avenue at Yuseco Street, na dating truck route. Maaari namang gamitin ng mga light vehicle ang northbound service road ng Roxas Boulevard.

–Ang mga trailer truck at heavy vehicle mula Mel Lopez Boulevard (R-10) na patungong Roxas Boulevard ay dapat kumaliwa sa Capulong Street, dumiretso sa Yuseco Street at Lacson Avenue.

Taunang road-running event ang AIA Rock and Roll Series Manila na pinagsasama ang long-distance running, live music, mga DJ at iba pang entertainment sa ruta. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here