MANILA, Philippines- Sinisilip ng pamahalaan ng Pilipinas na itaas ang sovereign credit rating ng bansa sa “A,” na nangangahulugang mababa ang “risk of default” at malakas ang repayment capacity, sa 2028, sa huling taon ng termino ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“Our goal is still to get an ‘A’ rating before the end of the president’s term,” pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno.
Partikular na binanggit ni Finance chief na target ng pamahalaan na makakuha ng A-level credit rating mula sa isa sa tatlong major debt watchdogs: Fitch Ratings, Standard & Poor’s, at Moody’s.
“We already have an ‘A’ rating, but from a Japanese agency. We even have a triple ‘A’ from China. But what matters is the three biggest agencies… That has always been our goal… even just one of the three,” ani Diokno.
Sa kasalukuyan ay mayroong rating na “BBB” o good credit quality mula sa Fitch, ang Pilipinas.
Sa S&P, binigyan ang bansa ng “BBB+” investment grade rating na nangangahulugan ng “adequate capacity” na bayaran ang financial obligations.
Samantala, binigyan naman ng Moody’s ng “Baa2” rating ang bansa, na nangangahulugan ng moderate credit risk.
Inihayag ni National Treasurer Rosalia de Leon na hindi partikular ang credit rating agencies sa lebel ng total outstanding debt ng isang bansa, kundi sa debt profile.
Hanggang nitong Mayo, ang outstanding sovereign debt ng bansa ay pumalo na sa P14.10 trilyon sa gitna ng mas maraming paghiram upang suportahan ang budgetary requirements at paghina ng piso.
Ayon naman kay Diokno, “it’s not bad to borrow money.”
“We are using the money for infrastructure, we are expanding the capacity of the economy. And also, productivity enhancing measures, like improvement of teacher education. That’s important,” pahayag niya.
Para sa taong ito, inaasahan ng gobyerno ang pagpalo ng outstanding debt sa P14.63 trilyon. RNT/SA