Home NATIONWIDE Aabot sa 8K indibidwal apektado ng bagyong Goring – NDRRMC

Aabot sa 8K indibidwal apektado ng bagyong Goring – NDRRMC

323
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes, Agosto 28 na halos 8,000 indibidwal o mahigit 2,000 pamilya ang naapektuhan ng bagyong Goring.

Ayon sa ahensya, kabuuang 7,919 katao o 2,302 pamilya mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, at Cordillera Administrative Region (CAR) ang naapektuhan.

Sa kabuuang bilang, 1,948 indibidwal o 538 pamilya ang nananatili sa evacuation centers habang 359 indibidwal o 107 pamilya ang pansamantalang tumutuloy sa iba pang lugar.

Samantala, 665 indibidwal o 152 pamilya mula sa Ilocos Region, Calabarzon, at Mimaropa ang “pre-emptively evacuated.”

Sa datos ng ahensya, naitala ang 58 flooding incidents sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Western Visayas.

Humupa na ang pagbaha sa 10 lugar at patuloy namang bumababa ang pagbaha sa 13 iba pang lugar.

Samantala, 13 kalsada at limang tulay naman ang limang tulay ang hindi madaanan sa Ilocos Region, Cagayan Valley, at CAR dahil sa bagyong Goring.

Naipamahagi na ang mahigit P25,000 halaga ng tulong sa mga apektadong residente.

Wala ring iniulat na nasawi o nawawala dahil sa bagyo.

Inaasahang lalabas ang bagyong Goring sa Philippine area of responsibility pagsapit ng Huwebes ng umaga o hapon. RNT/JGC

Previous articleHouse leader nangako, pagpapataas sa badyet ng DTI sa 2024 gagawan ng paraan
Next articleLumang academic calendar ‘di agad-agad maibabalik – DepEd

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here