Home ENTERTAINMENT Aaron, aminadong sandamakmak ang indecent proposal!

Aaron, aminadong sandamakmak ang indecent proposal!

Manila, Philippines – Tila halaw sa tunay niyang mga karanasan sa buhay ang papel na natoka kay Aaron Villaflor sa pelikulang Secret Campus.

Aaron plays a professor who gets indecent proposals from students na obsessed sa kanya.

Siyempre, para paingayin ang naturang pelikula ay kailangang may kunek ang mga tanong kay Aaron.

Sa virtual interview ng Cristy Ferminute kay Aaron, he was asked if naranasan na rin daw ba ng aktor ‘yon.

Oo raw. In fact, ani Aaron ay marami na to the point that he could have been rich!

Pero aminado si Aaron na nagugulumihanan siya the first time he was offered an indecent proposal.

He examined himself daw trying to figure out kung ano ang kanyang isasagot.

But of course, he would have given a big no answer.

Pero paano raw niya sasabihin ‘yon without offending the other party?

Paano raw niya ito tatablahin sa paraang hindi siya makakasakit ng damdamin?

In the end, napagtanto rin mismo ni Aaron ang solusyon.

“I was kind to them!” aniya.

In a sense, Aaron could be sending the wrong signal.

By being kind, puwedeng isipin ng kabilang partido na game siya sa nais mangyari nito.

Kunsabagay, may kasabihan namang: “Kill your enemies with kindness.”

Baka sa pagiging nice and friendly ni Aaron sa kanila’y gumuho ang kanilang pagnanasa sa aktor.

Sa ngayon, aminado si Aaron that he’s racing against time.

In two years ay magti-35 years old na raw siya.

This explains kung bakit nasa “rest mode” daw ang kanyang puso as he wants to get so many life plans accompalished.

By the way, nakalimutang liwanagin ni Aaron how much ang in-offer sa kanya, kung house and lot din ba at may kabuhayan showcase. Ronnie Carrasco III

Previous articleToll collections ng LGU sa mga trak na naghahatid ng kalakal, sinuspinde ni PBBM
Next articleP3.8B shabu nasabat sa Pampanga