Home NATIONWIDE Abalos: ‘Chokepoints’ kasado vs paglapit ng mga residente sa Mayon danger zone

Abalos: ‘Chokepoints’ kasado vs paglapit ng mga residente sa Mayon danger zone

MANILA, Philippines- Sa patuloy na pag-aalburoto ng Mayon Volcano, hinikayat ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang mga lumikas na residente mula sa permanent danger zone (PDZ) na iwasang bumalik sa kanilang tahanan “for their own safety.”

Sinabi ni Abalos na ilang chokepoints ang itinatag sa paligid ng bulkan upang pigilan ang mga tao sa pagbalik sa danger zone.

“[Sa] paligid ng Mayon, merong mga chokepoints ‘yan para wala nang makakabalik… Importante ngayon ay chokepoints para ‘wag mapunta sa danger zone,” paglalahad ni Abalos nitong Lunes.

“For their own safety. Lava ‘yan, eh. Hindi biro ‘yan, eh. Buhay niyo ‘to, buhay ng pamilya niyo. Sana po sumunod tayo sa owtoridad,” dagdag niya.

Tumutukoy ang chokepoints sa “strategic narrow routes” na karaniwang binabantayan ng law enforcers, habang ang PDZ ay “area at risk for lava flows, rockfalls, and other volcanic hazards.”

Base sa pinakabagong datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, mahigit 14,000 residente na ang lumikas mula sa six-kilometer permanent danger zone malapit sa bulkan, na nasa ilalim ng Alert Level 3.

Samantala, inilagay din ng provincial government ng Albay nitong Lunes ang mga residente sa loob ng seven-kilometer extended danger zone sa ilalim ng preparedness status.

“Evacuation will be executed anytime,” anang disaster management officials ng Albay sa isang abiso.

Nauna nang inihayag ni Albay Governor Grex Lagman na mayroong sapat na evacuation centers sa lalawigan para sa mga apektadong residente, kahit na dumarami ang evacuees. RNT/SA

Previous articlePDLs dinalaw ng mga mahal sa buhay sa Araw ng Kalayaan
Next articleDMW magsasagawa ng regular online job fair