MANILA, Philippines- Hinikayat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang mga kandidato para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE) na sumailalim sa drug test.
Ito ang naging pahayag ng kalihim na dapat na sumailalim sa drug test ang mga kandidato upang ipakita na sila ay handang magsilbi sa bansa.
“Kung gusto ninyong tumakbo, manilbihan sa bayan, one of the biggest problems is drugs, siguro magpa-drug test kayo,” ani Abalos.
“Pakita ninyo na handa kayong maglingkod. I am calling on all candidates,” dagdag pa niya.
Ang 2023 BSKE ay nakatakdang idaos sa Oktubre 30. Jan Sinocruz