Home ENTERTAINMENT Abby at Jomari, pa-suspense ang kasal sa November!

Abby at Jomari, pa-suspense ang kasal sa November!

230
0

Manila, Philippines- Tulad ng mga naunang ikinasal na sina Maine Mendoza at Maja Salvador ay pa-suspense din ang peg ni Abby Viduya as to the exact date of her wedding to Jomari Yllana.

Only the wedding month and venue ang ibinahagi ni Abby sa press.

Civil wedding in Las Vegas in November.
Kung bakit doon ay dahil most of Abby’s relatives are US-based.

Expected din ang ilang kamag-anak ni Jomari sa mala-Jennifer Lopez-Ben Affleck intimate wedding.

Hindi ito agad susundan ng pag-iisang-dibdib sa simbahan.

Ani Abby, either 2024 or early 2025 ang kasal nila ng kanyang first love sa Peñafrancia Church in Naga City, Camarines Sur kung saan nagpakasal din ang mga magulang ni Jomari.

Nilinaw ni Abby na mas aligaga si Jomari sa paghahanda ng kanilang civil wedding.

“I told him ako na lang. Siya na raw ang bahala dahil baka ma-freak out lang ako,” sey ng future Mrs. Yllana.

Take note na kasado na ang lahat, may airline tickets na raw sila.

The way Abby sees it, Jomari is the answer to her prayer.

Napatunayan na raw niya mismo na pag humiling ka nga lang sa Itaas, your prayer has to be specific.

“In my case, I actually didn’t pray for the person or Jomari per se. Ang dasal ko, eh, ‘yung tamang tao ang ibigay Niya sa akin,” Abby confessed.

Malaki rin daw ang naitulong nang magkasama sila sa iisang bubong when she arrived before the onslaught of pandemic in 2020.

“Kasi, make or break ‘yon. While most couples would separate, in our case, our love for each other grew all the more!” sey pa ni Abby whose glow in her eyes is proof enough. Ronnie Carrasco III

Previous articleBuboy, sinabihang bastos!
Next articleDPWH kinastigo sa ‘di matapos-tapos na flood control projects

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here