Manila, Philippines – Gustong ipagdiinan ni Abegail Rait na malinis ang kanyang kunsensya nang makipagrelasyon noon kay Francis Magalona.
Malinis as in iginiit niyang wala raw siyang nilabag na batas.
Guiltless daw siya sa paratang ng marami na isa lang siyang mistress o kabit noon ng Master Rapper.
Hindi raw hinangad ni Abegail na mangwasak ng pagsasama.
Ang pruwebang hawak niya ay ang pag-amin daw sa kanya ni Francis na noong time daw na ‘yon ay hiwalay na ito kay Pia.
Hanggang sa pagpanaw daw ni Francis ay hiwalay ang estado nito, kaya bakit aakusahan siyang kabit?
Abegail cited her mom and grandmother na siyang nakakaalam daw ng katotohanan, otherwise hindi naman daw siya hahayaan ng mga ito na pumatol sa lalaking may pananagutan na.
At para na lang daw magkaalaman na’y naghamon si Abegail sa kampo ni Pia to come forward para amining wala na sila noong time na ‘yon ni Francis.
Mula nang lumantad ang dating flight attendant, wala ni isa sa kampo ni Pia has ever issued any reaction.
Sa kaso nina Frank at Maxene, puro cryptic posts lang ang nasa kanilang social media accounts.
Walang direktang sagot sa mga alegasyon ni Abegail, who insists that Francis that time was no longer staying in his family residence due to his separation from Pia.
Nauna rito, halos ganito rin ang bersyon ng exposè ng dating aktor at show producer na si Robbie Tarroza who was Francis’ close friend back then.
Kung susuriin, may ilang pagkakatugma sa kuwento ni Robbie vis a vis Abegail’s.
Why Pia still hasn’t stepped forward to clear the issue ay marahil, nais lang niyang irespeto ang alaala ni Francis alang-alang man lang sa kanilang pinagsamahan. Ronnie Carrasco III