Home METRO Abogada hinigop ng bukal, patay

Abogada hinigop ng bukal, patay

PEÑARRUBIA, Abra – Nasawi matapos malunod ang isang 31-anyos na abogado sa bukal sa Sitio Matit, Barangay Patiao, sa bayang ito, nitong Sabado, Pebrero 24.

Kinilala ni Police Capt June Saliw-an, hepe ng pulisya sa bayan ang biktima na si Princess Caroline Nichole Cancio Ibarra, ng Barangay Rang-ay, Sinait, Ilocos Sur. Si Ibarra ay ang clerk of court ng Laoag City Regional Trial Court Branch 13.

Sinabi ni Saliw-an na dumating si Ibarra kasama ang kanyang driver sa Calm Spring upang kumuha ng litrato at lumangoy.

Umalis ang kanyang driver at nakita niya si Ibarra na nalulunod nang bumalik sa bukal na may lalim na halos 2.5 metro.

Humingi ng tulong ang driver ni Ibarra at dinala ng mga rescuer ang biktima sa isang ospital sa Bangued, lalawigang ito, kung saan idineklara itong patay.

Ang kanyang mga labi ay dinala sa kanilang tirahan sa Sinait.

Ang biktima ay nagtapos sa University of Northern Philippines-College of Law sa Vigan City, Ilocos Sur noong 2020 at nakapasa sa 2020-2021 Bar exams na isinagawa noong Pebrero 2022 dahil sa pandemya.

Nagluksa ang University of Northern Philippines-College of Law sa pagkamatay ni Ibarra. Santi Celario

Previous articleP13B matitipid ng gobyerno sa saay na Cha-cha plebiscite at 2025 midterm poll
Next articleAmazonang NPA leader patay sa engkwentro