Home NATIONWIDE ABS-CBN TeleRadyo mamamaalam na

ABS-CBN TeleRadyo mamamaalam na

374
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng ABS-CBN nitong Martes, Mayo 23, na mamamaalam na sa ere ang TeleRadyo sa katapusan ng Hunyo.

Ito ay dahil hindi na kayang patakbuhin pa ng kompanya ang nasabing himpilan.

“TeleRadyo has been incurring financial losses since 2020,” pahayag ng ABS-CBN.

“Since ABS-CBN can no longer sustain TeleRadyo’s operations, ABS-CBN is left with no choice but to cease the operations of TeleRadyo effective 30 June 2023 to prevent further business losses,” dagdag pa.

Matatandaan na inilunsad ang TeleRadyo noong 2007 at tinawag na DZMM TeleRadyo.

Noong Mayo 2020 naman ay nawala sa ere ang ABS-CBN makaraang ipag-utos ng National Telecommunications Commission ang paghinto ng operasyon nito dahil sa pagkapaso ng prangkisa nito. RNT/JGC

Previous articlePCG naghahanda na sa paparating na Bagyong Mawar
Next articleAnomalya sa electric coop sa Isabela, nadiskubre sa house hearing

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here