Home NATIONWIDE Abusadong debt collectors pinatututukan sa Kamara

Abusadong debt collectors pinatututukan sa Kamara

294
0

MANILA, Philippines – Hinimok ni Davao City Rep Paolo Duterte ang mga kapwa mambabatas nito na agarang makapagpasa ang House of Representatives ng panukalang batas para matutukan ang mga reklamo laban sa mga abusadong naniningil ng mga utang na ang ilan ay gumagamit ng mga taktika gaya ng pamamahiya sa social media at pananakot.

Ayon kay Duterte, sa pagbabalik ng sesyon ng Kamara sa Hulyo 24 ay umaasa siyang mapaspasan ang pagpasa ng mga batas para maiwasan na ang hindi patas, mapanlinlang at mga pamamahiya na ginagawa ng mg online loan sharks.

“More victims have continued to come out to report being harassed, shamed, threatened, and forced to pay usurious interest charges. Both the Executive and Congress need to act fast to put an end to these inhumane debt collection practices,” pahayag ni Duterte.

Tinukoy nito ang online petition na ginawa ng Philippine Association of Loan Shark Victims Inc. (PALSVI) na mayroon ng 32,000 lagda, kasama sa kanilang apela ang hiling sa gobyerno na ipasara ang may 101 online lending apps (OLAs) na nangigipit sa kanilang mga biktima.

Kaparehas na reklamo rin ang kanila nang naunang naihain sa Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group.

Sinabi ni Duterte na sa kanyang pag-iimbestiga, lumalabas na ang mga OLAs na ito ay patuloy na nadodownload sa Google Playstore sa kabila ng direktiba ng Google na ang mga developers ng OLAs sa Pilipinas ay dapat mayroon personal loan application declaration at iba pang documentation bago mapayagan sa kanilang Playstore platform.

Aniya, kumilos na rin ang Securities and Exchange Commission (SEC) at patuloy sa kanilang isinasagawang crackdown laban sa illegal na lending companies subalit marami pa rin ang nakalulusot.

“Despite these efforts, unregistered, illegal and abusive online lending firms have continued to mushroom. The absence of a law that would tighten regulation over online moneylenders is among the reasons why abusive debt collectors proliferate in cyberspace,” pahayag ni Duterte.

“Our laws need to catch up with technology, which while providing ease and convenience to consumers, have also given rise to abusive practices that have ruined not only the reputations, but also the lives of their victims,” dagdag pa nito.

Si Duterte ay nauna nang naghain ng House Bill (HB) 6681 na nagsusulong na iregulate ang lending companies.

Sa ilalim ng HB 6681 Fair Debt Collection Practices Act, ang debt collector o naniningil ay dapat maging maayos sa kanyang pangongolekta kung saan bawal ang paggamit nito ng harassment, pang aabuso at pamamahiya.

“These include the use or threat of violence, or other criminal means; the use of obscene and profane language; and the disclosure, publication or posting of the names and other personal information of the borrowers who allegedly refuse to pay debts,” nakasaad sa panukala.

Dahil ireregulate ang lending companies ay magtatakda ng tamang interest, incidental fees at iba pang charges.

Nagbabala naman si Duterte sa publiko na huwag kumagat sa mga “microloan” apps na nagbibigay ng 24 oras na loan process, aniya, walang collateral at mabilis ang pangungutang subalit sobra-sobrang pahirap naman ang ipinapataw nitong interes. Gail Mendoza

Previous articleNag-imbita ng sexy dancers sa NBI conference tukoy na ni Remulla
Next article3 patay, 2 sugatan sa araro ng elf truck

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here