Home NATIONWIDE Accessible, adaptable na healthcare service siniguro ng DOH

Accessible, adaptable na healthcare service siniguro ng DOH

MANILA, Philippines – Isinusulong ng Department of Health (DOH) na maging accessible ang healthcare services at adaptable sa lahat ng mga Pilipino sa pamamagitan ng implime tasyon ng Universal Health Care (UHC) Law.

Sa isang pahayag na inilabas noong Huwebes, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na tinutukan ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang UHC Law sa kanyang unang 100 araw sa panunungkulan.

Sinabi ni Herbosa na dapat ramdam ng bawat Pilipino ang UHC.

Ipinasa noong 2019, ginagarantiyahan ng landmark law ang pantay na pag-access ng lahat ng Pilipino sa kalidad at abot-kayang mga produkto at serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan.

Sa ilalim ng batas, ang lahat ng mamamayang Pilipino ay awtomatikong nakatala sa National Health Insurance Program bilang mga direktang nag-aambag o mga may kapasidad na magbayad ng mga premium, at mga hindi direktang nag-aambag na itinataguyod ng gobyerno tulad ng mga indigents at senior citizens.

Noong Oktubre, sinabi ni Herbosa na inaprubahan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbuo ng coordinating council para sa implimentasyon ng UHC Law. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articlePCG todo-alerto pa rin sa mga pantalan
Next articleEksperto kay PBBM: ‘Extended continental shelf’ ng WPS isampa sa UN